Psalms 125

1Silang mga nagtitiwala kay Yahweh ay tulad ng bundok ng Sion, hindi matitinag, at mananatili magpakailanman. 2Gaya ng mga bundok na nakapalibot sa Jerusalem, gayundin nakapalibot si Yahweh sa kaniyang bayan ngayon at magpakailanman. 3Ang setro ng kasamaan ay hindi dapat mamuno sa lupain ng mga matutuwid. Kung hindi, ang mga matutuwid ay maaring gawin kung ano ang mali.

4Yahweh, gumawa ka ng mabuti, sa kanilang mga mabuti at sa mga matuwid sa kanilang mga puso. Pero para naman sa kanilang mga lumilihis para sa kanilang masasamang pamamaraan, itataboy sila ni Yahweh kasama ang mga gumagawa ng masasama. Kapayapaan nawa ang makamtan ng Israel.

5

Copyright information for TglULB